ang sama ng ugali nung employee sa munisipyo.
ikalat nyo. hanggang sa umabot sa kanya tong message na to.
ang kapal eh!
Eksena sa loob ng isang opisina munisipyo ng Imus..
840 ng umaga May 27, 2009..
Empleyadong matapang at makapal ang mukha (Siya ang may malaking pangangatawan at may kulot n buhok ky cguro matapang). Isa cya sa late pumasok nung araw n un...
Empleyadong matapang at makapal an mukha: Blita ko may nagkakalat sa elevator n late n tayo pumapasok.
Sabay tayo sa harapan ng pobreng babae.
Empleyadong matapang at makapal an mukha: Anong problema mo? knino mo pinagsasabi n late n kmi pumasok?
Pobreng Babae: Dun po sa taga personnel. E kc pumunta po ako dito ng 8 pr ako mauna dahil me pasok ako e.. tpos pagdating ko wlng nag asikaso sa kin.
Empleyadong matapang at makapal an mukha: e d sana tumawag k muna bgo k pumunta dito..
Pobreng Babae: tumawag nga po ako kso walang nasagot.
Empleyadong matapang at makapal an mukha: ipagawa mo ung telepono nmin.
Pobreng Babae: D ko n po problema un kung sira telepono nyo.
Empleyadong matapang at makapal an mukha: E d sana pinapunta mo n lng sekretarya mo para d k malate sa trabaho
Pobreng Babae: Wl po akong seretarya
Empleyadong matapang at makapal an mukha: Hirap sa u e, nde k marunong makisama...
Halos sumabog ang dibdib ko sa aking natunghayang eksena. D ko akalain na may mga ganitong pangyayari. Ako ay 10 taon ng nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya ngunit wl akong nakitang ganong d kanais nais n eksena.. Ang kawawang babae na kumukuha ng permit ay napahiya sa buong opisina.. Siya n nag babayad ng buwis upang mapa improve ang mga serbisyo ng ating pamahalaan at upang may maipang sweldo sa mga taong dapat sana ay nagbibigay ng maliksi at magandang serbisyo.
Nasan ang boss nung matapang ng empleyado nung oras n un? late din kya? naka OB leave o bk andun din at d n nakapagreact dahil sa tapang at gaspang ng pag uugali ng knyang empleyado?
Sana lamang ay nde mapalampas ng kinauukulan ang pangyayaring ito sa isa sa opisina ng munisipyo ng imus. Ky sa lahat ng nais magpagwa ng bahay, mag pa improve, kelangan may building permit kyo. Pero mag ingat kc bk mapahiya kyo, bumba ang inyo morale dahil sa isang empleyado dun.
Isinulat ko tong blog n to upang wag ng pamarisan ang empleyadong matapang, cya na ang mali cya p ang me ganang mamahiya. Ang alam ko rin n oras ng pagpasok sa gobyerno ay alas otso nde ko lang alam kung nabago na....
Hay.. kelan ky magbabago ang takbo ng gobyerno dito sa ating bansa..
2 comments: